Obrero lumusot sa kisame ng NAIA
MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na construcÂtion worker ang muntik ng mahulog sa kisame nang maapakan nito ang isang malambot na bahagi sa may departure lobby ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon.
Nakilala ang construction worker na si Jelly Boy Marcial, na nakalambitin sa kisame na may taas na 40 talamÂpakan mula sa departure level ground, nang tulungan ito ng kanyang mga kasamahan matapos siyang magsisigaw.
Si Marcial ay trabahador ng F.R. Sevilla Construction, isang sub-contractor ng D.M. Consunji, Inc., isa ito sa mga nag-aayos ng air-conditioning duct sa NAIA T1 departure lobby area.
Ayon sa ulat, nilalagyan ng duct-tape ni Marcial ang isa sa mga kable ng aircon duct ng mangyari ito.
Hindi sinasadyang matapakan ni Marcial ang acoustic ceiling na naging dahilan para bumagsak ang ceiling board.
Tumama naman sa ulo ang mga naglaglagang debris sa isang US-bound passenger na nakilalang si Lorna Delos Reyes, 59, isang Filipino-American, na kasalukuyang nakapila para mag-check in kasama ang kanyang asawa sa Korean Airlines.
Sa kabila ng wala itong sugat o nasaktan, isinugod pa rin sa Airport Medical Clinic si Delos Reyes dahil tumaas ang blood pressure nito ng 180-110 dahil sa takot.
Pinahintulutan ng airport medical staff si Delos Reyes na makasakay sa eroplano makaraang bumalik sa normal na kondisyon ang katawan.
Ang nasabing paliparan ay nasa rehabilitasyon na bahagi sa P1.3 billion fund.
- Latest