^

Metro

TRO vs garbage fee sa QC, inilabas ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Quezon kaugnay ng taunang pangongolekta ng bayad sa basura.

Ayon kay Supreme Court Public Information Office (SC PIO) Chief Theodore Te, ang TRO  ay ini­­labas ng Third Division laban sa garbage fee at socialized housing taxes bunsod na rin ng  petisyon ng isang Jose Ferrer Jr. na inihain noong Enero 17.

Giit ni Ferrer, responsibilidad ng lokal na pamahalaang lungsod  ang pagbibigay ng basic services.

Imbes anya na ipataw sa mamamayan ang bayad sa pangongolekta ng basura, mainam na kunin na lamang ito sa property, business taxes at internal revenue allotment (IRA) share.

Nilinaw naman ni Te na hindi pa naipapalabas ang kopya ng resolusyon ng SC hinggil sa TRO.

Batay sa kautusan ng Quezon City, depende sa lawak ng lote ang ipapataw na taunang bayad sa ba­sura simula ngayong 2014.

Maglalaro ito sa P100 hanggang P500 para sa domestic households habang P25 hanggang P200 naman sa condominium at socialized housing units.

AYON

BATAY

CHIEF THEODORE TE

ENERO

JOSE FERRER JR.

KORTE SUPREMA

QUEZON CITY

SUPREME COURT PUBLIC INFORMATION OFFICE

THIRD DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with