Computer tech tiklo sa shabu
MANILA, Philippines - Tiklo ang isang comÂputer technician makaraang makuÂhanan ng 40 gramo ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng PhiÂlippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang fastfood sa lungsod Quezon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspect na si Albert Manlulu, alyas Lance, 40, ng Xavierville Avenue, LoÂÂyola Heights, QueÂzon City.
Ayon kay Cacdac, si ManÂlulu ay naaresto ng mga tropa ng PDEA Regional Office-National CaÂpital Region (PDEA RO-NCR) sa isinagawang operasyon sa may Matalino Street corner East Avenue, Brgy. Central sa lungsod.
Bago ito, nakipagtranÂsakÂÂsyon ang mga operaÂtiba ng PDEA sa suspek para bumili ng shabu na nagkaÂkahalaga ng P1,000.
Nagkasundo ang dalawa na magpalitan ng items sa may isang fast food, ganap na alas-3 ng hapon kung saan ito naaresto.
Sa pagsisiyasat ng opeÂÂratiba, nakarekober pa sa suspek ng isang transpaÂrent plastic bag na naglalaman ng apat na glass containers.
Nakuha din sa suspek ang P1,000 marked bill na ginamit sa buy-bust opeÂration, maÂging ang isang Honda Wave motorcycle (IA-8964).
- Latest