Prangkisa ng Don Mariano Transit kanselado
MANILA, Philippines – Binawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong Martes ang prangkisa ng Don Mariano Transit matapos masangkot sa isang malagim na aksidente nitong nakaraang buwan.
Iniutos ni LTFRB chairman Winston Ginez ang pagtanggal ng prangkisa ng pitong kompanya ng bus, kabilang ang Don Mariano na may 78 unit.
Isang bus ng Don Mariano ang tumilapon mula sa southbound lane ng Skyway na ikinasawi ng 21 katao, kabilang ang tsuper nito.
Kaugnay na balita: Don Mariano transit huhusgahan ng LTFRB
Lumabas sa imbestigasyon ng LTFRB na hindi sumunod ang kompanya ng bus sa terms and conditions na nakasaad sa prangkisa.
Sisirain ng LTFRB ang mga nakumpiskang plaka ng bus mula sa Don Mariano upang hindi na magamit.
Pero sinabi ni Ginez na maaari pa namang maghain ng motion for reconsideration ang kompanya ng bus.
Kung sakaling ibasura ang mosyon ay maaari pa ring iakyat ng Don Mariano ang kaso sa Department of Transportation and Communications.
- Latest