Mahabang pila, matinding siksikan eksena sa LRT sa Pista ng Nazareno
MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, napakahabang pila at mas pinaÂtinding siksikan ang sumalubong sa mga pasahero na regular na sumakay sa Light Rail Transit Line 1 at Line 2 dahil sa pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno patungo sa Maynila.
“LRT 1-long queues, crowded trains and stations more than the usual due to the Black Nazarene Procession,†ayon kay LRT Authority spokesman Atty. Hernando Cabrera sa sagot nito sa isang pasahero na nagtatanong sa Twitter account nito.
Noong 2013, umabot sa 612,371 ang total na pasahero na sumakay sa LRT Line 1 sa Pista ng Itim na NaÂzareno. Ito ay mula sa 582,989 noong 2009.
Mas lalo pang dumami ang bilang ng pasahero na sasakay sa LRT Line 1 at maging sa Line 2 kagabi sa pag-uwi ng mga deboto na nakisali sa prusisyon.
Una nang nangako si Cabrera na magdaragÂdag sila ng bilang ng tren, tellersÂ, security guards, technical at meÂdical personnel dahil sa inaasahang paglobo ng pasahero.
Ito ay nang muling paÂyagan ng pamahalaan na makasakay ng tren ang mga debotong nakayapak lamang.
- Latest