^

Metro

Wanted arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong taong pagtatago, nadakip na rin ng pulisya ang isang wanted sa kasong murder kahapon ng umaga­ sa Malabon City.

Kinilala ang nadakip na si Allan Abrigosa, 40, ng Int. Pilapil, Brgy. Catmon nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, alas-11:30 ng umaga nang masakote ito sa kanyang pinagtataguan sa Panghulo Road, Malabon City.

Ito’y matapos makatanggap ng tawag ang tanggapan ni Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon City Police hinggil­ sa paglutang ng akusado sa nasabing lugar.

Inatasan ng opisyal ang kanyang tauhan at  bitbit ang isang warrant of arrest na inisyu  ni Judge Zaldy Docena,  ng Malabon RTC, Branch 170 na nagresulta sa pagkakadakip sa nabanggit na akusado.

Batay sa rekord ng korte, si Abrigosa ay may kasong murder na isinampa ng kamag-anak ng pinatay nito noong March 9, 2011 sa nasabing barangay.

vuukle comment

ABRIGOSA

ALLAN ABRIGOSA

AYON

JUDGE ZALDY DOCENA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

PANGHULO ROAD

SENIOR SUPT

SEVERINO ABAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with