^

Metro

Obrero dedo sa boga

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang patay makaraang malapitang barilin sa ulo ng isang lalaki habang ang una ay nag­lalaro ng “cara y cruz” sa lungsod Quezon­ kahapon ng madaling-araw.

Si Jan Jan Advincula, 21, ay nagawa pang maitakbo sa ospital, subalit idineklara din siyang dead on arrival sa East Avenue Medical Center, ayon kay PO2 Marlon dela Vega, may-hawak ng kaso.

Ang suspect na natukoy sa pangalang Jay-Ar Bagtas ay mabilis namang tumakas at ngayon ay tinutugis na ng awtoridad.

Sa ulat ni Dela Vega, nangyari ang insidente sa may harap ng Marlon Bakery na matatagpuan sa no. 2 Pa­lanas B., Brgy. Vasra, ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Ayon kay Joven Rosal, naglalaro umano sila ng cara y cruz ng biktima sa lugar nang biglang dumating ang suspect na may bitbit ng baril at pinaputukan si Advincula sa ulo.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng awtoridad kung ano ang motibo ng suspect sa pamamaril sa biktima.

 

vuukle comment

ADVINCULA

AYON

BRGY

DELA VEGA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JAY-AR BAGTAS

JOVEN ROSAL

MARLON BAKERY

SI JAN JAN ADVINCULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with