^

Metro

Lolo na hit and run, inabandona sa loob ng taxi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang matandang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng hit and run ang natagpuang patay sa loob ng  abandonadong taxi na pinaniniwalaang siya ring nakasagasa rito sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Inspector Elmer Monsalve, hepe ng homicide investigation section ng Quezon City Police District (QCPD), kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng 50-55 anyos.

May taas ito na 5’4 talampakan at nakasuot ng kulay pulang t-shirt at checkered na short pants.

Ayon sa opisyal bandang alas-10:55 ng gabi ng ma­diskubre ang bangkay ng biktima sa likuran ng Mama taxi ( TWS-729 ) na inabandona sa harapan ng Quezon City General Hospital sa kahabaan ng Seminary Road, Brgy. Bahay Toro ng lungsod.

Nabatid na ang biktima ay nagtamo ng matinding sugat sa kaliwang balikat,  ulo at baywang.

Sinabi ni Monsalve na posibleng ang tumakas na driver ng nasabing taxi ang nakasagasa sa biktima dahilan may basag ang windshield nito at may sira rin ito sa unahan.

Ang insidente, ayon pa sa opisyal ay inireport ng security guard ng hospital na si Rogelio Oliva  sa pulisya na siyang nakadiskubre sa bangkay habang nagroronda sa bisinidad ng hospital.

vuukle comment

AYON

BAHAY TORO

INSPECTOR ELMER MONSALVE

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROGELIO OLIVA

SEMINARY ROAD

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with