^

Metro

Close-in security ng Manila councilor, dedo sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang security guard na nakatalaga sa bahay ni Manila City Councilor Nino dela Cruz, nang barilin ng isa sa riding-in-tandem, kahapon ng madaling-araw, sa Tondo, Maynila.

Ilang oras pang sinubukang isalba ang biktimang si Ronilo Misperos, 23, stay-in security sa bahay ni Dela Cruz, sa  Zaragosa St., Tondo subalit binawian din ito  ng buhay sa Ospital ng Maynila bandang alas-4:20 ng madaling araw.

Nangangalap pa ng impormasyon hinggil sa pagki­kilanlan ng mga suspect na sakay ng isang motorsiklo.

Sa ulat ni SPO2 Rodelio Lingcong, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap  ang pamamaril dakong­ alas-12:30 ng madaling araw sa harap ng Modest­ Bakery sa Zaragosa St., Tondo, kung saan sumaglit umano ang biktima sa tinderang si Julie Ann Bodollo na nobya umano nito.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang naka­motorsiklong mga suspect at malapitang binaril sa ulo ang nakatalikod na biktima.

Mga tambay sa lugar na nakasaksi ang nagsugod sa biktima sa  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) subalit inilipat din ito sa Ospital ng Maynila.

Hindi pa batid ang motibo sa krimen.

vuukle comment

DELA CRUZ

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JULIE ANN BODOLLO

MANILA CITY COUNCILOR NINO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

OSPITAL

RODELIO LINGCONG

ZARAGOSA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with