Ina, 3 anak patay sa sunog
MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kaÂmatayan ang sinapit ng 44-anyos na ina at tatlo nitong anak na menor-de-edad matapos makulong sa kanilang bahay na nasusunog kamakalawa ng gabi sa Barangay Ilaya, Mandaluyong City.
Natagpuang magkakaÂyakap sa palikuran ang mag-iinang sina Blitz Santos, Andrei Calunsod, 4; Yui, 2; at si Chelsea Santos Calunsod, 1.
Sa ulat ng Mandaluyong Fire Station, dakong alas-8:50 ng gabi nang magsimulang masunog ang bahay ng mga Calunsod sa San Roque Street kung saan naapula lamang dakong alas-9:25 ng gabi.
Ayon sa mga imbestigador, sumiklab ang apoy sa sala ng bahay ng mga Calunsod at mabilis na kumalat sa mga light materialsÂ.
Maaaring nataranta ang mag-iina dahil sa kapal ng usok at posibleng inaÂkala ng mga biktima na pinakaligtas na lugar ang palikuran ngunit namatay din dahil sa suffocation.
Hindi rin nagamit ng mga biktima ang bintana ng palikuran dahil sa bakal na grills. Umabot sa ikaÂlimang alarma ang sunog at tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.
Samantala, sumiklab naman ang sunog isang bodega sa Pascor Drive sa Barangay Sto. Niño, Parañaque City.
Sa ulat, nag-umpisang kumalat ang apoy sa bodega ng Maldive Trading Corp kung saan nadamay ang dalawa pang maliit na gusali at dalawang bodega.
Itinaas sa Task Force Bravo ang alarma kung saan wala namang naiulat na nasaktan.
Aabot sa 100 kabahayan naman ang naabo sa Barangay Talon 4, Las Piñas City kamakalawa ng gabi.
Umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago naapula dakong alas-10 ng gabi. Bineberipika naman ng mga imbestigador ang impormasyon na nag-umpisa ang apoy sa napabayaang kalan.
- Latest