QCPD nagbabala vs Dura-Dura, Laglag Barya gang ngayong Pasko
MANILA, Philippines - Bunga ng nalalapit na kapaskuhan, nagiging aktibo na naman ang mga masasamang loob na nagnanais na kumita ng pera sa maling paraan, kaya mahigpit na nagbabala ang pulisya sa publiko sa lungsod Quezon na doblehin ang pag-iingat at maging magpamasid sa kanilang ginagalawan.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Richard Albano, matagal nang gawain ng mga masasamang elemento ang gumawa ng paraan para kumita ng pera, kapag malapit ang holiday season, tulad ng Pasko at Bagong Taon, kung kaya mahigpit nilang pinaalalahanan ang publiko na maging maingat.
Ani Albano, hindi anya makakaya ng mga kapulisan na bantayan ang buong paligid ng lungsod, kaya sa tulong ng mga mamamayan ay mas mapapadali ang pagtugon nila sa mga nangangailangan.
Bukod sa mga insidente sa mga malls, pinag-iingat din ang publiko laban sa mga gang tulad ng “Laglag barya†at “Dura-dura gangâ€
Giit ni Albano, ang mga naturang gang na bagama’t maliit na uri ay doble naman ang hinahasik na takot sa mga binibiktima dahil may pagkakataon na gumagamit na ang mga ito ng dahas sa sandaling manlaban sa kanila.
Pangunahing puntirya ng nasabing mga gang ang mga mataong lugar, at mga pampasaherong jeepney at bus kung saan batid nilang may potensyal na biktima.
- Latest