Bagsak sa performance rating 4 station commander sa Maynila, sinibak
MANILA, Philippines - Apat na station commanders ng Manila Police District ang sinibak sa puwesto makaraang bumagsak sa itinakdang performance standard.
Ayon kay MPD Director Chief Supt. Isagani F. Genabe Jr., kabilang sa mga inilipat sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay sina Station 3 Commander Supt. Ricardo Layug; Station 5 Commander Supt. Orlando Mirando; Station 8 Commander Amante Daro at Station 11 Commander Wilson Doromal.
Si P/Supt. Aldrine Gran ang ipinalit kay Layug habang si P/Supt. Albert Barot ang ipinalit kay MirandoÂ; P/Supt. Fernando Opelanio kay Daro at P/Supt. Raymundo Liguden ang kahalili ni Doromal sa Station 1.
Aniya, ang pagtatanggal sa puwesto sa apat na opisyal ay bunsod ng naging rekomendasyon nang binuhay na Seniors Placement Board ng MPD na nagsasagawa ng evaluation at performance rating sa lahat ng opisyal ng pulis sa Maynila.
Pinunto pa ni Genabe na ang relieve order ay resulta ng performance evaluation rating na ginawa ng Personnel Human Resource Development Division para sa buwan ng Oktubre 2013 at Nobyembre 2013.
“Walang samaan ng loob, magagaling sila, pero kailangang makuha ang optimum result performance sa mga station commander,†ani Genabe.
Dahil dito, nagbabala si Genabe sa natitirang pitong commander na kanilang pagbutihin ang trabaho dahil tuluy-tuloy ang performance evaluation na kailangan nilang malampasan.
Partikular sa tinukoy ng heneral ang mga commander ng MPD Station 4, 7 at 9 na kanyang pinaalalahanan na pagbutihin dahil batay sa resulta ng performance evaluation, sila ay nasa dulo o punto ng pagkalaglag.
Samantala, napag-alaman din kay Genabe na may daan-daan pang kaso ng suspension na nakaÂbinbin sa kanyang tanggapan na ngayon ay sumasailalim na rin sa evaluation.
- Latest















