Witness sa murder, pinatahimik ng suspect
MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na ginang na testigo sa isang kaso ng pagpaslang ang tuluyang pinatahimik makaraang pasukin at pagbabariln sa loob ng kanyang bahay sa tabi ng tatlong menor-de-edad na anak, sa Baseco Compound, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Sa kabila ng dalawang tama ng bala na tinamo sa pisngi at leeg, nagawa pang banggitin ng biktimang si Elena Miranda, biyuda, ng Block 5, Old Site Baseco Compound,Tondo, Maynila ang pangalang “Ruel†na bumaril umano sa kanya, ayon sa isang anak nito.
Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala- 1 ng madaling- araw nang pasukin umano ng suspect ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagkalas sa nakataling nylon cord sa pintuan, na nagsisilbing lock.
Nang makapasok sa loob ay mabilis na isinagawa ang pamamaril sa ginang saka mabilis na tumakas.
Nagising ang mga anak na nagkakaedad, 12, 10 at 8, kaya bago pa panawan ng ulirat ang ginang ay binanggit nito sa anak ang pangalan ng suspect.
Sa impormasyon ng pulisya, ang ginang ay witness sa kasong murder laban sa suspect, may ilang buwan na ang nakalipas, kaya malaki ang posibilidad na pinatahimik ito upang hindi na muling makaÂtestigo.
Kasalukuyang nÂasa preliminary investigation pa umano ang nasabing kaso sa Manila Prosecutor’s Office.
May dalawa pa umanong anak ang biktima na wala sa kanilang bahay nang maganap ang insidente at dumating lamang ang panganay na si Alexander, isang jeepney driver, nang tawagan ito upang ibalita ang nangyari sa ina.
- Latest