Ginang tinodas sa bingguhan
MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang matapos pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek na naka-maskara habang nagbiÂbingo ang una sa Navotas City, kahapon ng maÂdaling- araw.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima na si Maricris Cailao, 35, ng Carnation St., Brgy. North Bay Boulevard North ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naÂganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang ang biktima ay nagÂlalaro ng bingo sa Miguel St., Brgy. NBBN nang sumulpot ang mga suspek na kapwa naka-maskara at pagbabarilin ito na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis namang tumakas ang mga suspek.
Blangko pa ang pulisya sa motibo at sa kung sino ang posibleng nagsagawa ng krimen.
- Latest