^

Metro

5 nadakip na bus robbery suspect, kinasuhan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patung-patong na kaso ang isinampa ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa limang suspect na responsable sa serye ng bus robbery holdup na nadakip nitong Sabado ng gabi sa Bulacan.

Ito ang sinabi kahapon ni QCPD director Chief Supt. Richard Albano, sa isinagawang press conference matapos na iprisinta ang mga suspek na sina Roger Alaraz, 41; Ariel Andrales, 36; Aquilino Soriano, 52; Jeffrey Reyes, 25; at Bobby Bondoc, 36; pawang mga driver ng PUB at residente ng Bulacan.

Ayon kay Albano, kasong robbery, paglabag sa presidential degree 1866 o illegal possesion of firearms and am­munition; paglabag sa Republic act 9516 o unlawful possesion of explosives at paglabag sa Republic act 9165 o ang dangerous drug act of 2002 ang kinakaharap ng mga suspek.

Bunsod na rin anya ito sa mga ebidensyang nakuha sa mga suspek. Sinabi pa ni Albano, bukod sa lima, isa pang kasamahan nila na nakilalang si Tano Andrales, re­sidente ng Paradise St., San Idelfonso, Bulacan, ang tinutugis ng ka­nilang tropa dahil kabilang umano ito sa nangholdap sa isang pampasaherong bus sa EDSA.

Ang operasyon ay isinagawa kasunod ito nang pang­hoholdap ng mga suspect sa isang Malanday Metro Link Passenger Bus at Cher passenger bus noong Nov. 30 sa kahabaan ng EDSA.

 

ALBANO

AQUILINO SORIANO

ARIEL ANDRALES

BOBBY BONDOC

BULACAN

CHIEF SUPT

JEFFREY REYES

MALANDAY METRO LINK PASSENGER BUS

PARADISE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with