^

Metro

Trader patay sa shotgun ng sekyu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante matapos na barilin ng isang security guard  matapos ang mainitang  pagtatalo sa lungsod Quezon kahapon.

Kinilala ni SPO1 Rommel Tiangco ang nasawi na si Michael Rodolfo, 21, ng Rainbow Homes 2, Brgy. San Barto­lome, Novaliches, sa lungsod.

Nangyari ang insidente alas- 9:30 ng umaga sa harap ng guard house ng Rainbow Homes 2.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib mula sa isang shotgun at naisugod pa sa Bernardina General Hospital kung saan ito idineklarang  dead-on-arrival.

Samantala, tiniyak naman ni Tiangco na patuloy ang pagtugis sa tumakas na suspek na kinilalang security guard ng subdivision na si Vic Ajeas.

Ayon sa ulat, bago ang insidente, tinawag umano ng tiyahin ng biktima ang sekyu upang tingnan ang isang tao. Pero, sa hindi mabatid na kadahilanan, nagkaroon ng pagtatalo ang babae at ang suspek.

Dahil dito, agad na nagtungo si Rodolfo sa guard house at kinompronta ang suspek. Sa pagtatalo, sabi ng testigo sa pulisya, ang sekyu na may hawak ng shotgun ay pinaputukan ang biktima. Nang bumagsak sa simento ang biktima, agad na tumakas ang suspek at iniwan ang kanyang shotgun.

vuukle comment

AYON

BERNARDINA GENERAL HOSPITAL

BRGY

DAHIL

MICHAEL RODOLFO

RAINBOW HOMES

ROMMEL TIANGCO

SAN BARTO

VIC AJEAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with