6 katao hinostage ng magtataho
MANILA, Philippines - Matagumpay na naÂiligtas ng mga tauhan ng Taguig City Police ang anim katao kabilang ang apat na bata na hinostage ng isang taho vendor sa loob ng kanilang bahay sa naÂturang lungsod kahapon ng tanghali.
Umabot ng higit tatlong oras bago napakawalan ang mga hostage na sina Tristan Subilio, 15; magkakapatid na sina Luis, 13; Bonbon, 10; at 2-anyos na bunso; pinsan na si Diane, 18; at 30-anyos na yaya ng mga bata na si Mae.
Isinugod naman sa paÂgamutan sakay ng ambulansya ang hostage-taker na nakilalang si Rael AquinoÂ, alyas JR, ng Tenement Brgy. Western Bicutan, ng naturang lungsod.
Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali nang pumasok ang suspect sa bahay ng mga Subilio at i-hostage ang anim na biktima gamit ang dalawang patalim sa ikatlong palapag ng bahay sa Block 11 Lot 17 Brgy. Pinagsama, ng naturang lungsod.
Ayon sa isang kapitÂbahay na si Virgie Benjamin, kakilala niya ang saÂlarin na unang nagtungo sa kanyang bahay at humingi umano ng tulong sa problema sa kanyang misis at may humahabol umanong lalaki na papatay sa kanya.
Nang hindi pansinin ni Benjamin, dito na pinasok ng salarin ang bahay ng mga Subilio at hinostage ang mga biktima. Tinangkang makipagnegosasyon naman ng mga pulis kay Aquino ngunit tanging ang ama ng mga biktima na si Von Subilio ang kinakausap nito.
Dakong alas-4 ng hapon nang buksan ng salarin ang tangke ng gas sanhi upang mag-panic ang mga hostage na biktima.
Sinabi ni Subilio na nang marinig niya ang mga anak ay nagpasya na siyang pasukin ang bahay at nakiÂpambuno sa salarin kaÂtulong ang ilang mga anak.
Sumunod na rin ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics unit at nakontrol ang hostage- taker. Itinanggi naman ng pulisya na nabaril nila ang hostage-taker na isinugod sa pagamutan dahil sa mga sugat sanhi ng pambubuno nito. Inaalam din kung nasa impluwensya ito ng iligal na droga.
Personal na inoobserbahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang insiÂdente kung saan pinapurihan ang ama ng mga biktima dahil sa tapang at “presence of mind†nito at ang kanyang mga tauhan sa Taguig City Police sa matagumpay na rescue operation.
Sinabi nito na sasamÂpahan nila ng kaukulang kaso ang salarin upang hindi na gayahin ng iba pang tao ang pandadamay sa mga inosenteng bata sa kanilang problema.
- Latest