Mister na nagbantang manununog, inunahang tarakan ng kapitbahay
MANILA, Philippines - Inunahang saksakin ng kanyang kapitbahay ang bantang panununog ng isang 32-anyos na mister makaraang mag-away ng kanyang misis sa Parola Compound sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ginagamot ngayon sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical CenÂter (GABMMC) sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan ang mister na nakilalang si Armando Mundido, ng Apex Compound, sa Parola Compound, Tondo, Maynila.
Nakilala naman ang sumaksak na si alyas “John Reyâ€.
Sa ulat ng MPD-Station 2, dakong alas-7:00 ng gabi habang nagpapahinga umano ang suspect sa kanyang kuwarto na nasa ikatlong palapag ng nasabing address ay narinig nito na nag-aaway si Mundido at ang misis nito. Narinig din ng suspect ang banta ng biktima na susunugin ang buong kabahayan.
Sa pangambang madadamay ang kanyang tinitirhan sa bantang panununog kung kaya’t hindi na ito nakapagpigil kaya binaba ang nag-aaway na mag-asawa dala ang patalim at saka pinagsasaksak ang biktima at pagkatapos ay kaswal lamang na nilisan ang lugar.
Nagtulung-tulong naman ang ilang kapitÂbahay na maisugod ang biktima sa pagamutan.
- Latest