Lady cop, nag-suicide sa loob ng Camp Crame
MANILA, Philippines - Nagimbal ang buong PNP Headquarters makaraang isang babaeng police officer ang nag-suicide sa pamamaÂgitan ng pagbaril sa sarili sa loob mismo ng tanggapan ng PNP-Crime Laboratory sa Camp Crame, kahapon ng umaga.
Kinilala ni PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor ang nasawing lady cop na si Inspector Romelou Dime Medina, 35, may-asawa, miyembro ng MPD Crime Laboratory at On-The-Job (OJT) sa nasabing opisina.
Si Medina ay nagtapos ng Bachelor of Science in Criminology at pumasok sa PNP Crime Lab sa pamamagitan ng ‘lateral entry’ kung saan halos isang buwan pa lamang ito sa OJT para higit pang maging eksperto sa crime scene investigation.
Ayon kay Mayor, si Medina ay nagtamo ng tama ng bala ng cal 9mm sa kanang sentido na siyang kumitil sa buhay nito.
Bandang alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ni PO1 Rhea Rebano ang nakasalampak na bangkay ng biktima sa Finance Section ng PNP-Crime Lab.
Natagpuan sa tabi ng bangkay nito ang isang nabanggit na baril na nakaisyu sa nasabing opisyal na siyang hinihiÂnalang ginamit umano nito sa pagpapatiwakal at isang basyo ng bala ng nasabing armas.
Gayunman, patuloy ang imbestigasyon upang mabatid kung nag-suicide o aksidente ang pagkasawi ng biktima.
“We are doing all the process, gagawin natin ang lahat sa kasong ito,†ani Mayor upang mabatid ang katotohanan sa likod ng hinihinalang pagpapatiwakal ng nasabing opisyal.
Sa panig naman ni PNP Crime Laboratory Director P/Chief Supt. Liza Sabong, napakasakit sa buong tanggapan nila ang pagpapatiwakal ni Medina.
“Mahirap tanggapin, napakasakit pero ito ang reality ng buhay,†ani Sabong sa nasabing insidente na sinabi pang bago ang pagpapatiwakal ni Medina ay wala naman silang nakitang kakaiba sa ikinikilos ng opisyal.
- Latest