Pagboto ng mga preso, tinanggihan ng korte
MANILA, Philippines - Hindi pinayagan ng Pasay City Regional Trial Court na makaboto ang daan-daang bilanggong babae at lalaki sa Pasay City Jail sa isinagawang halalang pambarangay, kahapon.
Nabatid buhat kay Jail Officer 1 Ester Mae Sustituido na unang hiniling ng Inmate Welfare and Development Section ng Pasay City Jail sa korte nitong Oktubre 22 na makaboto ang mga bilanggo. Ngunit sa inilabas na desisyon ni Judge Racquelyn Vasquez ng Branch 116, hindi ito maaaring isagawa dahil sa isyu ng seguridad.
Ayon sa korte, hindi posibleng ma-eskortan ang bawat bilanggo sa kani-kanilang mga polling precincts. Maaari lamang ito kung magtatayo ng “special polling precincts†tulad noong nakalipas na “midterm elections†ngunit kung aabot sa 50 bilanggo ang boboto sa bawat presinto.
Sa kaso umano ng mga bilanggo sa Pasay City Jail, nagmula ang mga ito sa iba’t ibang barangay sa lungsod habang ang iba naman ay sa mga karatig-lungsod sa Metro Manila at sa mga probinsya pa nakatira.
Tinatayang may 161 ang bilanggo nakadetine sa Pasay City Jail kung saan 139 sa mga ito ay lalaki at 22 ang babaeng preso.
- Latest