8 Muntinlupa police, sinibak dahil sa palaging late at pala-absent
MANILA, Philippines - Sinibak sa kanilang puwesto ang walong pulis ng isang Police Community Precinct sa Muntinlupa City dahil sa umano’y pagiging “late†at pag-absent sa trabaho.
Kinumpirma ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ang pagkakasibak ng kanyang mga tauhan. Ito ay makaraang magsagawa umano ng command conference si National Capital Regional Police director, Chief Supt. Marcelo Garbo Muntinlupa Police at abutan na late o kaya’y absent ang mga ipinatawag na pulis.
Nakapanayam naman ng mga mamahayag si P/Chief Insp. Samuel Hilotin, hepe ng Muntinlupa PCP 5 Ayala-Alabang at kinumpirma ang pagkaka-relieve sa kanya kasama ang mga kapwa opisyal na sina Chief Insp. Dick Manabat ng PCP 4 at isang Chief Insp. Curesma, hepe ng PCP 1 at kanilang mga tauhan.
Paliwanag ni Hilotin, nagpatawag ng conference sa pamamagitan ng memorandum si NCRPO Director, Chief Supt. Marcelo Garbo. Inakala umano nila na iikot muna sa mga PCP si Garbo tulad ng dati nitong ginagawa ngunit dumiretso ito sa Muntinlupa Police headquarters. Pinalinis pa umano niya ang kanyang PCP kaya na-late siya ng 15 minuto para sa command conference.
Tinangka namang kontakin ng mga mamahayag si NCRPO Public Information Office head, Chief Insp. Robert Domingo upang alamin ang kumpletong pagkakakilanlan ng mga nasibak na mga pulis ngunit hindi ito sumasagot sa tawag sa telepono.
Inilagay umano sa “floating status†ang naÂturang mga pulis at itinalaga sa NCRPO Headquarters.
- Latest