^

Metro

Rider salpok sa sidewalk, tigok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang motorcycle rider ang nasawi matapos na sumalpok sa sidewalk ang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Palatiw, Pasig City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Errol Canoniga, 21, residente ng 7 Villa Silva, Brgy. Palatiw ng na­sabing lungsod, matapos na mabasag ang bungo nito dahil sa aksidente at bunsod umano ng kawalan ng suot na helmet.

Batay sa ulat ng Pasig Police Traffic Management Office, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., sa naturang barangay.

Lulan umano ang biktima ng kanyang Suzuki Raider (7543 NB) at binabagtas ang lugar nang mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa sidewalk.

Tumilapon pa ang katawan ng biktima may ilang metro ang layo sa pinagsalpukan nito.

Ilang testigo ang nagsabi na mabilis ang takbo ng motorsiklo na posible umanong siyang naging sanhi kung bakit nawalan ito ng kontrol.

Ilang barangay tanod naman sa lugar ang nagsabing nakikipagkarera sa ibang riders ang biktima nang maganap ang insidente.

vuukle comment

BRGY

DEL PILAR ST.

ERROL CANONIGA

ILANG

PALATIW

PASIG CITY

PASIG POLICE TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

SUZUKI RAIDER

VILLA SILVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with