Mamahaling artwork, nawawala sa Luneta
MANILA, Philippines - Magtutulungan ang pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC), Artists Association of the Philippines (AAP) at security personnel sa imbestigasÂyon hinggil sa nawawalang bronze artwork na nagkaÂkahalaga ng P300,000 hanggang P400,000 na nadiskubre lamang noong Sabado (Oktubre 19).
Ang nasabing artwork na naka-display sa Kanlungan ng Sining sa Luneta Park ay tinatayang may taas na halos 4 na talampakan at 7 pulgada ang lapad at ang artwork subject naman nakorona ng Hari, ay ginawa ng Filipino artist na si Juan Sajid Imao, anak ng national artist for visual arts na si Abdulmari Asia Imao.
Sa panig ng NPDC, sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si Kenneth Montegrande, hindi pa umano masasabing ninakaw ang nasabing artwork hanggat hindi pa natatapos ang imbestigasyon.
Nadiskubre lamang ang pagkawala nito nang magkaroon ng event ang AAP, na ayon umano sa Pangulo na si Fidel Sarmiento, ay hindi na makita at ang slot na kinalalagyan nito ay napalitan na ng halaman.
Nilinaw ni Montegrande na kahit nasa pangangasiwa ng NPDC ang Kanlungan ng Sining, kung saan nakalagay ang mga artworks ng AAP, hindi naman umano nagkaroon ng proper endorsement sa mga display artworks sa kanilang pamunuan kaya’t hindi nila marahil nabigyan ng matinding atensiyon.
Sa kasalukuyan aniya, ang Kanlungan ng Sining ay kasalukuyang dine-develop o pinagaganda ng isang construction company, suÂbalit hindi naman nila ito masasabing may kinalaman sa pagkawala ng nasabing art piece.
Nangako naman ang NPDC na magpapalabas sila ng press statement sa oras na matapos ang imbestigasÂyon hinggil sa nawawalang artwork.
- Latest