^

Metro

2 buntis na salisi, 1 pa, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang buntis at isang dalaga na pawang miyembro ng ‘Salisi gang’  ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police makaraang tangayin  ang shoulder bag ng isang kostumer sa isang mall  sa Ermita, kamakalawa ng gabi.

Posibleng sa kulungan na abutin ng panganganak ang 9-na buwang buntis na suspect na si Perlita Santos, 33, at ang isa pang 7-buwang buntis na si  Jaysell Nicole Duzon, 18. Nadakip din ang isa pa nilang kasama na nakilalang si Princess Santos, 20 bunsod ng reklamong inihain ng biktimang si Princess Golle, 24, Information Technology (IT)  student.

Sa salaysay ng biktima, dakong alas-8:30 ng gabi nang tangayin ng mga suspect ang kanyang itim na shoulder bag, na naglalaman ng cash na P20-libo, Samsung tablet na nagkakahalaga ng P13-libo at Iphone 5 na P35-libo ang halaga, at mismong shoulder bag ay nagkakahalaga ng P8,500   habang siya ay nasa loob ng Cotton On Boutique sa ground floor  ng isang kilalang mall sa Ermita, Maynila.

Nagsusukat umano ang biktima ng sapatos nang nilapag niya ang kaniyang bag at napuna ang tatlong suspect na mistulang mga kostumer na paikut-ikot sa kaniyang tabi. Ilang sandali pa ay nawala na ang mga ito at wala na rin sa kanyang tabi ang kanyang bag.

Nagsisigaw ang biktima na nawawala ang kaniyang bag na nagkataon namang nagpapatrulya sa lugar sina PO3 Dennis Bernabe at PO2 Margarito Dequito, kapwa nakatalaga sa MPD-TRS na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspect na noo’y nakita ng biktima na papalabas ng mall  kaya itinuro sa mga pulis. Agad namang pinigil ng mga pulis ang tatlo subalit nang kanilang alamin ay naipasa na umano ang bag sa isa pang kasamahang lalaki.

 

vuukle comment

BAG

COTTON ON BOUTIQUE

DENNIS BERNABE

ERMITA

INFORMATION TECHNOLOGY

JAYSELL NICOLE DUZON

MANILA POLICE

MARGARITO DEQUITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with