^

Metro

Special child binigti, ama nag-suicide rin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay muna sa pa­mamagitan ng pagbigti ang isang 7-anyos na special child ng kanyang sariling ama bago nagpatiwakal ang huli sa pamamagitan naman ng pag-inom ng lason sa loob ng kanilang bahay  sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng gabi.

May ilang oras na umanong kapwa patay nang madiskubre sa loob ng kanilang silid ang mag-amang sina  Nestor Dipa­supil, 39, walang trabaho at anak nitong si Kimi, residente ng 5th St., Punta, Sta. Ana, Maynila

Sa  ulat ni SPO1 Jona­than Moreno ng MPD-Ho­micide Section, dakong alas-9:00 ng gabi nang madiskubreng patay ang mag-ama sa kanilang silid  ng kaanak na si SPO1 Alma Dipasupil, 34, hipag ng biktima na nakatalaga sa D-1 ng  Manila Police District (MPD).

Huling nakitang buhay ang mag-ama dakong alas-12:30  ng hapon  ng Linggo, ilang oras bago matuklasang patay ang mga ito.

Nagtataka umano ang ina ni Nestor kung bakit hindi lumalabas ng silid ang mag-ama kaya humingi ng tulong sa manugang na si SPO1 Dipasupil.

Gumamit na lamang ng duplicate key si SPO1 Dipasupil upang buksan ang studio-type na kuwarto ng mag-ama kung saan tumambad sa kanila ang dalawa na kapwa wala nang buhay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakitaan ng marka sa leeg ng tila binigti si Kimi habang maayos na nakahiga sa ibabaw ng isang upuang kahoy, habang ang ama nito ay nakita ring nakadapa sa sahig may 2 pulgada ang layo mula sa anak.

Nakuha sa loob ng silid ang kulay blue na nylon cord na hinihinalang gina­mit sa bata, bote ng liquid­ Sosa, masking tape at plumber cleaner.

Posibleng ang kemikal na panlinis ng lalabo, ang ininom naman ni Nestor.

Wala pang impormas­yong hinggil sa motibo ng pagpapakamatay ni Nestor na idinamay pa ang anak.

Ang labi ng mag-ama ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral Homes na nakatakdang i-awtopsiya.

vuukle comment

ALMA DIPASUPIL

AMA

DIPASUPIL

KIMI

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NESTOR DIPA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with