^

Metro

10-anyos sugatan sa pen gun na nilaro ni kuya

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 10-taong gulang na batang lalaki ang naospital makaraang aksidenteng tamaan ng bala sa mukha nang pumutok ang pen gun na pinaglalaruan ng 15-anyos niyang kuya sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Batasan Police Station, ang biktima ay nakilalang si Mark Justine Medoranda, grade IV pupil at residente sa Brgy. Commonwealth.

Ipinadala naman agad ng awtoridad sa pangangalaga ng Social Services Development Department ng City Hall ang kapatid nitong itinago sa pangalang Totoy para sa kaukulang disposisyon.

Sa ulat ni SPO1 Malruz Claros ng Women and Children’s Desk ng Police Station 6, nangyari ang insidente sa bahay ng dalawa, ganap na alas-7:30 gabi.

Diumano, pinaglalaruan umano ni Totoy ang isang improvised pen gun sa loob ng inu­upahang kuwarto nang aksidenteng pumutok ito at tumama sa mukha ng biktima

Dahil dito, mabilis na isinugod sa East Avenu­e Medical Center ang biktima kung saan ito nilapatan ng lunas at nakaratay.  Stable­ na rin umano ang kalagayan ng biktima.

Sa ginawang pagsisiyasat ni SPO1 Roldan dela Cruz, narekober sa lugar ang isang improvised pen gun at basyo ng bala ng kalibre .9mm na baril.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad upang mabatid kung sino ang may-ari ng natu­rang armas.

BATASAN POLICE STATION

CITY HALL

EAST AVENU

MALRUZ CLAROS

MARK JUSTINE MEDORANDA

MEDICAL CENTER

POLICE STATION

SOCIAL SERVICES DEVELOPMENT DEPARTMENT

TOTOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with