Kalungkutan ng pamilya Davantes naibsan sa pagkakadakip sa 1 suspect
MANILA, Philippines - Bahagyang naibsan ang sakit na nararamdaman ng pamilya ng pinatay na biktima na si Kristelle “Kae†Davantes matapos madakip ang isa sa mga suspek na pinaniniwalaang magiging daan para tuluyang maresolba ang kaso.
Ayon kay Vincent Davantes, tiyuhin ng biktima, sinabi nito na umaasa silang mabibigyan na ng katarungan ang ginawang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang pamangkin na si Kae matapos mahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga suspek na si Samuel Decimo, 19, naninirahan sa Brgy. Molino, Cavite.
Nagpasalamat din si Vincent sa binuong Task Force Kae na walang tigil na tumututok sa kaso ng kanyang pamangkin.
Itinuturing aniya nilang malaking “breakthrough†sa paghahanap ng hustisya ang pagkakaaresto kay Decimo.
Nabatid pa kay Vincent na hihintayin na lamang nila ang isinasagawang imbestigasyon sa pagkakadakip sa suspek at pagsasampa ng kaso sa korte.
“To prepare to the development. Aasa at maghihintay na lang kami kung ano ang magiging desisyon ng korte pag nakasuhan na ito,†ani pa ni Vincent.
Giit pa nito, na bukod pa sa sinasabing holdap o pagnaÂnakaw lamang ang target ng mga suspek ay naniniwala silang may mas malalim pang motibo ang ginawa nilang pagpatay kay Kae.
Umaasa naman ang pamilyang Davantes na hindi “fall guy†ang pagkakadakip kay Decimo dahil mapaparusahan sa kasong ito.
Nakiusap naman ang pamilya Davantes sa iba pang suspek na sumuko na dahil kahit saan sila magtago ay mahuhuli rin ang mga ito matapos ikanta ng nahuling suspek.
- Latest