Bebot binistay ng bala
MANILA, Philippines - Inaalam pa ng mga awtoÂridad ang pagkakakilanlan sa isang babaeng binaril at naÂmatay habang nakatayo at mistulang may hinihintay na katagpo, sa Port Area, Maynila, kahapon ng maÂdaling-araw.
May tattoo na bulaklak sa kanang kamay ang biktimang tinatayang nasa edad na 20 hanggang 25, may taas na 4’10’’, payat at nakasuot ng maong na shorts at pink na blouse.
Sa ulat ni SPO1 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng maÂdaling-araw nang malapitang barilin ang biktima ng isang lalaki, sa harapan ng Gate 56, Parola compound, Port Area.
Nang bumagsak ang biktima ay tinulungan siya ng ilang nakakita at isinugod sa Gat Andres Bonifacio MeÂmorial Medical Center suÂbalit namatay din habang ginagamot.
- Latest