1 dedo, 7 huli sa operasyon ng PDEA
MANILA, Philippines - Isang suspect ang nasawi matapos na makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Marikina City Police nang isagawa ang operasyon laban sa daÂlaÂwang target-listed drug personalities at limang iba pang kalalakihan sa isinagawang buy-bust sa J.P. Rizal St., Sto. Niño, Marikina City, iniulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspect na sina Conrado Macalino, 46, tricycle driver; Richard Pascual, 40; Michael Balagtas, 46; Rommel Tiangco, 40; Frederick del Rosario, 35; Ranier Amante, 34; at Darwin Canieso, 23,mga residente sa Marikina City.
Tinukoy ni Cacdac si Macalino bilang isa sa target-listed drug personality at miyembro ng Randy Mina Domingo Drug Group na nago-operate sa Marikina City.
Sa ulat ng PDEA, ganap na ala-1:30 ng hapon, nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na tropa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR), Marikina City Police at ng tulong ng Military Intelligence Group, Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP), sa labas ng bahay ni Balagtas na ginagawang drug den sa may Sto. Niño, Marikina City.
Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng isa sa mga suspect at nagresulta sa pagkakasugat ng isa sa PDEA personnel at pagkaÂmatay ni Alexander Siobal alyas “Bossâ€, isa sa mga target ng operasyon.
Nakumpiska sa mga suspect ang mga sachets ng methamphetamine hydroÂchloride, o shabu, na tumiÂtimbang ng 75 grams at nagkakahalaga ng P375,000 pesos, mga drug paraphernalia, isang Ford Focus (ZSH 411) at isang cal.45 Colt pistol na may magazine na naglalaman ng anim na bala.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 7 (EmÂployees/Visitors of a Drug Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) and Section 15 (Use of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isinampa laban sa mga suspect.
- Latest