Traffic enforcer na nangotong sinibak
MANILA, Philippines - Sinibak na ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica ang isang traffic enforcer matapos na ireklamo ng pangongotong ng isang miyembro ng Tayuman-Pritil Operators Drivers Association sa Manila Police District-Manila Action and Special Assignment (MASA).
Sa isang entrapment operation nadakip si Felix Lim, 50, ng #819 Gabriela St. Tondo, Maynila ng mga tauhan ng MASA matapos na ireklamo ni Imelda de Vera, 42, secretary ng naÂsabing asosasyon.
Batay sa record, hiÂnuÂhuli umano madalas ni Lim at ng kasamahan nitong nakilala lamang si PO1 Sacur ang mga pampasaherong jeep na may rutang Pritil-Tayuman kung hindi umano makapagbibigay ng ‘lagay’.
Bunsod nito, minabuti ni de Vera na isumbong sa MASA ang katiwaÂlian umano nina Lim at Sacur kung kaya’t isinaÂgawa ang entrapment operation.
Nag-usap sa pamaÂmagitan ng text si De Vera at Lim kung saan magÂkikita at ibibigay ang P1,000 na hinihingi umano ng mga suspect. Nagpositibo naman sa ultraviolet powder si Lim habang si Sacur umano ay nagtatago.
Kaugnay nito, pinuri naman ni Pasang Masda President Roberto Martin ang MASA sa paÂngunguna nina MASA chief, Chief Insp. BerÂnabe Irinco, Jr.; MASA Chief Operations , Insp. Manuel Laderas; SPO1 Adolf Tagufa; SPO1 Joel Aquino at PO2 Rene LagriÂmas sa pagkakadakip ni Lim.
Ayon kay Martin, indikasyon lamang ito na pursigido ang kapulisan na malinis ang mga kotongero sa lansangan at maiwasan ang ‘lagayan system’.
- Latest