Bahay nilooban ng pekeng repairmen
MANILA, Philippines - Tinatayang may P600,000 halaga ng pera at ari-arian ang nalimas ng dalawang robbery suspect na nagpanggap na cable repairmen sa bahay ng isang retiradong empleyado sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City, iniulat kahapon.
Sa ulat ng pulisya, nakulimbat ng mga hindi pa kilalang suspect ang humigit kumulang sa P339,000 at US $2,750, alahas (P209,000), tatlong mobile phones (P60,000 at colored 32’’ flatscreen TV (P32,000).
Nabatid na natangay ang mga naturang pera at gamit sa bahay ni Efren Madrigal, 56, residente ng Villa EuroÂfrucina, Brgy. Bahay Toro, sa lungsod.
Ayon kay SPO1 Charles Jallores, imbestigador, nangyari ang pagnanakaw sa loob ng bahay ni Madrigal ganap na alas-8:45 ng umaga.
Ayon sa saksing si Rizamay Suriaga, kasambahay, bago ang insidente, umalis si Madrigal kasama ang kanyang ina para magpa-check-up at dialysis kaya siya lamang ang naiwan sa kanilang bahay.
Matapos nito, dumating ang mga suspect na nagpanggap na cable repairmen at nakiusap kay Suriaga na papasukin sila sa loob ng naÂturang bahay upang kumpuÂnihin ang cable ng amo.
Nang makapasok sa loob ng bahay ang mga suspect, agad na nilang ikinulong si Suriaga sa isa sa mga kuwarto at saka nilimas ang makitang mapapakinabangan.
Nang makuha ang kanilang pakay, mabilis silang sumakay sa isang motorsiklo na hindi naman naplakahan papalayo.
- Latest






















