Burgundy tower sa Makati, bantay-sarado ng PNP
MANILA, Philippines - Bantay-sarado na ng mga tauhan ng Makati City Police ang Burgundy Corporate Tower upang matiyak na hindi na mauulit ang karahasang naganap sa loob nito kamakalawa na nagresulta ng pagkasawi ng isa sa mga nagbanggaang security guard.
Sinabi ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban na may mga tao na silang nakabantay sa labas ng gusali upang maiwasan ang muling pagpapadala ng security guard sa loob nito habang isinasailalim ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril na nagresulta sa pagkasawi ni SG Jimmy Lagunsad.
Nasa 100 guwardiya buhat sa Spectrum Agency at SWAG Security Agency ang dinampot ng Makati City Police at isa-isa nang kinukunan ng pahayag sa insidente. Ayon kay Lukban, malapit na umano nilang makilala kung sino ang salarin na nakabaril sa sekyu.
Natapos na umano nila ang “clearing operations†sa lahat ng 38 palapag ng gusali at nakakumpiska ng mga baril at shotguns na gamit ng mga security guards.
Sinabi ni Lukban na wala umanong koordinasyon sa kanila ang paghahain ni Sheriff Leonel Roxas ng “temporary restraining order (TRO)†laban sa mga lumang board of directors ng gusali kaya hindi nila napadalhan ito ng tauhan para magbigay-seguridad at sa halip ay mga tauhan ng Spectrum Agency ang isinama.
Sinalubong naman si Roxas at mga kasamang security guard ng mga tauhan ng SWAG Security Agency na naniÂnilbihan naman sa mga pina-TRO na Board of Directors hanggang sa magkagirian at magkaputukan.
- Latest