^

Metro

Bebot isinilid sa drum saka sinementuhan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinilid sa loob ng isang drum saka sinementuhan pagkatapos ay itinapon sa creek ang isang babae na iniulat na nawawala sa Quiapo, Maynila, ka­hapon.

Na­mamaga na ang buong katawan nang ma­tagpuan sa loob ng sinementong drum ang biktimang kinilalang si  Ma. Kristine de Guzman Ricafrente, ng Burgos St., Paco, Maynila.

Kinilala ito ng kanyang ina na si Merce­dita de Guzman, 56, sa pamamagitan ng mga tattoo na “Michael” at bulaklak na Rosas sa kanang hita.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:15 ng umaga nang makita ng mga residente malapit sa Arlegui creek  sa Arlegui St. Quiapo, Maynila ang nabanggit na drum na lumulutang kaya ito ini­report sa pulisya.

Nabatid na noon pang gabi ng Agosto 24, 2013 nang magpaalam ang biktima na pupunta sa kaibigang si “Jokang” subalit napag-alaman na hindi ito doon pumunta kundi sa bahay ng isang alyas “Khalil” sa Quiapo, Maynila.

Nalaman lamang ng ina ng biktima na hindi ito nagtungo kay Jokang nang magtungo ito noong Agosto 28 para alamin  kung bakit ‘out of coverage’ ang cellphone nito at hindi makontak ang kaibigan.

Nang malamang nagtungo kina Khalil ay pinuntahan nila ito sa tulong ng mga pulis subalit hindi umano ina­butan si Khalil, bagkus ay damit lamang ng bik­tima ang nakita sa bahay nito.

Nang matagpuan ang nasabing drum, ipi­naalam ito kay Gng. De Guzman na siyang nagkumpirma na ang bangkay ay ang nawawalang anak.

Patuloy namang pi­naghahanap ng pulisya si Khalil at iniimbes­tigahan ang motibo ng pamamaslang.

 

vuukle comment

AGOSTO

ARLEGUI ST. QUIAPO

BURGOS ST.

DE GUZMAN

GUZMAN RICAFRENTE

HOMICIDE SECTION

KHALIL

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with