^

Metro

55-anyos patay sa bala ng pulis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 55-anyos na mister matapos itong mahagip ng ligaw na bala ng baril ng isang pulis na nag-warning shot  na rumesponde sa kagauluhan sa Caloocan City kahapon. Idineklarang patay sa Martinez Memorial Hospital matapos mapuruhan sa dibdib ang biktimang si Aquelino Elesterio ng Sawata sa nasabing lungsod. Samantala, sumuko naman sa himpilan ng pulisya  ang suspek na si SPO1 Marvin San Juan, 45,  ng Caloocan City PNP. Batay sa imbestigasyon ng Caloocan City PNP, naganap ang insidente dakong  alas-12:45 ng tanghali kung saan ilang kalalakihan ang magkakasuntukan sa basketball court. Kaagad na rumesponde ang suspek kung saan tatlong sunod na warning shot ang pinakawalan subalit nadale ng ligaw na bala ang biktima na nakatayo malapit sa kaguluhan. Mabilis na dinala ni SPO1 San Juan sa ospital ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.  

 

vuukle comment

AQUELINO ELESTERIO

BATAY

CALOOCAN CITY

IDINEKLARANG

KAAGAD

MABILIS

MARTINEZ MEMORIAL HOSPITAL

MARVIN SAN JUAN

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with