^

Metro

Kilos-protesta, ilalarga ng PISTON

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinasa ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang isang malakihan at malawakang sabay-sabay na kilos-protesta sa darating na araw ng Lunes.

Ayon kay Piston President Goerge San Mateo, ang kanilang pagkilos ay tatampukan ng protest caravan na lalahukan ng mga driver at operators ng jeep at  UV Express dala ang kanilang mga pampasaherong sasakyan bago sila tutungo sa tanggapan ng DOTC sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City para magsagawa ng protesta doon at saka tutungo sa tanggapan ng Big Three Oil Companies.

Anya, ganap na alas-8 ng umaga sa Lunes hanggang alas-9 ng umaga ay magtitipun-tipon muna sila sa harap ng gusali ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City Elliptical Circle.

Sinabi ni San Mateo na sa naturang araw ay kasabay nilang magsasagawa ng kilos-protesta  ang mga member chapters at kaalyado ng PISTON sa Baguio City, Laguna, Albay, Bacolod City, Iloilo City at Cagayan De Oro City at iba pang  lalawigan sa bansa.

Binigyang-diin nito na layunin ng  kanilang protesta na kalampagin ang adminis­trasyong Aquino, gayundin ang tanggapan ng malalaking kompanya ng langis hinggil sa tatlong taong pahirap na nararanasan ng mga driver dahil sa overpricing ng oil products, profiteering at price-manipulation na ginagawa  umano ng Big Three Oil Companies at ng pamahalaan partikular ng Dept. of Energy.

Kinondena rin ang anya’y palagiang pag­taas ng halaga ng petroleum pro­ducts at kapag nagbaba naman ng halaga nito ay aabutin lamang­ ng 30 sentimos hanggang 50 sentimos na malaki pa rin ang kita ng mga kumpanya ng langis.

Hindi na umano makatwiran ang ganitong gawain ng mga oil companies dahil silang maliliit sa hanay ng manggagawa ang higit na apektado ng mga pasakit  at hindi ito nararamdaman ng mga mayayaman sa lipunan gaya ng mga mambabatas at mga nakaupo sa gobyerno kaya walang ginagawa sa kanilang hinaing.

 

BACOLOD CITY

BAGUIO CITY

BIG THREE OIL COMPANIES

CAGAYAN DE ORO CITY

ILOILO CITY

MANDALUYONG CITY

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with