^

Metro

32-anyos hinoldap na, tsinap-chop pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal ang pagkamatay na sinapit ng isang 32-anyos na dating call center agent na hinihinalang biktima ng holdap makaraang pugutan ng ulo at putulan pa ng dalawang binti ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Ang torso ng biktima na isinilid sa itim na garbage bag ay natagpuan kahapon ng umaga  sa panulukan ng Matimyas at Maceda Sts. sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa isang Thea Abesamis, ang bangkay ay ang kanyang mister na si Mark Reau Abesamis, dating call center agent  at residente ng TS Cruz Subd., Novaliches, Quezon City.

Sa pahayag ni Thea kay SPO1 Asilo, kamakalawa pa umano sila huling nagkita ng mister, nang magpaalam na magtutungo sa isang gymnasium sa Fairview  alas-8:00 ng umaga at umalis ng kanilang bahay dala ang kanyang itim na Toyota Altis (NOY 611).

Bandang ala-1:30 ng hapon ay tinawagan siya nito at nagsabing didiretso ito sa isang kaibigan na si George Martinez sa Aurora Blvd., Quezon City para sa kanilang planong magnegosyo ng car repair shop.

Bandang alas-6:00 ng gabi ay umalis na sa bahay ni George ang biktima dahil makikipagkita sa isang alyas Agnes  sa Fairview dala umano ang package para sa kanyang padala sa ina na nasa Amerika. Alas-7:30 ng gabi ay hindi na umano sumasagot sa tawag sa cellphone ang kanyang mister.

Ayon naman sa hepe ng MPD-Homicide Section na si Chief Insp. Steve Casimiro, nawawala ang Toyota Altis ng biktima, package, cellphone at iba pang mahahalagang gamit na nasa sasakyan.

Maaaring sa bahagi umano ng Quezon City ito hinoldap at dinala lamang sa bahagi ng Maynila ang bangkay upang mailigaw ang imbestigasyon.

Positibo ring kinilala ni Thea ang suot ng mister na berdeng t-shirt na may tatak pa ng ‘Aero 1897 Surf’ at checkered na shorts.

vuukle comment

AURORA BLVD

AYON

BANDANG

CHIEF INSP

CRUZ SUBD

FAIRVIEW

GEORGE MARTINEZ

HOMICIDE SECTION

QUEZON CITY

TOYOTA ALTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with