^

Metro

Anak patay sa sariling ama

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 20-anyos na caretaker maka­raang masaksak ng kanyang sariling ama matapos ang pagtatalo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Alexander Dingcong Jr., na nagawa pang maisugod sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, mabilis namang tumakas ang suspect na ama na si Alexander Dingcong Sr.

Bago ito, nag-inuman muna ang mag-ama ka­sama ang kanilang mga kaibigan sa kanilang bahay­ at nang matapos, sa halip magpahinga na ay nag­desisyon ang batang Dingcong na magpunta sa Brgy. Payatas.

Pero dahil nakainom, pi­nigilan na ang biktima ng kanyang ama na hindi nagustuhan ng una kung kaya dahil sa galit nito ay nagawang batuhin ang kanyang tatay hanggang sa mauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Doon na kumuha ang suspect ng icepick saka inun­dayan ng saksak ang kanyang anak na agad namang tumumba sa lapag. Agad namang tumakas ang suspect matapos ang insidente.

Naitakbo pa ang biktima ng kanyang mga kapit­bahay sa Commonwealth Hospital bago inilipat sa EAMC, kung saan siya idi­neklarang patay ganap na alas-2 ng madaling-araw.

 

vuukle comment

ALEXANDER DINGCONG JR.

ALEXANDER DINGCONG SR.

AYON

BRGY

COMMONWEALTH HOSPITAL

DINGCONG

JOGENE HERNANDEZ

KINILALA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with