Bahay ng 2 MWSS employee biktima ng akyat-bahay
MANILA, Philippines - Dalawang tauhan ng MeÂtropolitan Waterworks and SeÂwerage System (MWSS) ang natangayan ng hindi kukulangin sa milyong piso ng halaga ng pera at alahas matapos na pasukin ang kanilang mga tahanan ng magnanakaw na sinamantala ang kanilang paÂnanÂdaliang pagkawala sa magkahiwalay na lugar sa isang baranÂgay sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, ang mga biktima ay kinilalang sina NesÂtor Lualhati, 54, division manager ng MWSS, at residente sa no. 11 Saint Mary St., malapit sa panuluÂkan ng Saint Peter St., La Mesa heights, brgy. Greater Lagro; at Restituto Espejo, 49, binata, MWSS employee ng no. 8 Saint Anne St., La Mesa Heights Subdivision ng nasabi ring barangay.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Cristituto Zaldarriaga, si Lualhati ay naÂtaÂngayan ng isang safety vault na naglalaman ng hindi matukoy na halaga ng pera at mga alahas, credit cards, mga dokumento at dalawang laptop.
Nangyari ang pagpasok sa bahay ni Lualhati sa pagitan ng alas-2:30 ng hapon hanggang alas-9:30 ng gabi.
Bago nito, iniwan umano ni Lualhati kasama ang kanyang pamilya ang kanilang bahay upang dumalaw sa patay. Ganap na alas-9:30 ng gabi, nauna nang umuwi sa natuÂrang bahay ang mga kaanak ni Lualhati na sina Tara Kamilla, Keye Parongao, at Anjelica Parongao kung saan pagsapit sa lugar ay napuna ng mga ito na nakabukas ang pintuan ng gate at saka pintuan ng bahay.
Agad na tinawagan ni Anjelica si Lualhati dahilan para agad na umuwi ang huli, kung saan natuklasang maging sa kanilang master’s bedroom ay nawawala na ang naturang vault.
Samantala, sa pagitan naman ng ala-1 ng hapon at alas 7 ng gabi nang pasukin ang bahay ni Espejo.
Natangay din kay Espejo ang isang safety vault na naglalaman ng mga relos (P100,000) at alahas (P400,000) isang Toshiba computer laptop (P65,000).
Sabi ni SPO1 Jerald Alibin ng Quezon City Police Station 5, nagawang makapasok ng suspect sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod, saka sinira ang padlock ng main door nito.
Gayunman, isang kapitbahay ang nagsabing ang suspect ay tumakas sakay ng isang kulay itim na Sedan. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy kung iisa lamang ang suspect na tumira sa bahay ng mga nasabing kawani.
- Latest