^

Metro

‘Tulak’ itinumba ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan na nga­yon ng mga awtoridad ang ulat na posibleng may kinalaman sa pumalpak na drug deal ang da­hilan sa pagpatay sa isang hinihinalang ‘tulak’ ng droga na umano’y pinagba­baril ng mga hinihinalang miyembro ng drug syndicate sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Mario Rariza Jr., hepe ng Pasig police, ang napatay na si Rodel Rejano.

Batay sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaslang sa Kenneth Road, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa ulat, bago ang krimen ay nakita na lang ang biktima na tumatakbo patungo sa isang ginagawang bahay at hinahabol ng dalawang lalaking magka­angkas sa isang motorsiklo na walang plaka sa isang eskinita sa Kenneth Road. Nagawa umano ng biktima na mag­tago sa loob ng naturang bahay ngunit sinundan ito ng mga suspek at doon pinagbabaril.

Nang matiyak na patay na ang pakay ay mabilis na tu­makas patungo sa C-6 Road ang mga suspek na hini­hinalang mga miyembro ng drug syndicate at target­ na nga­yon ng manhunt operation­.

Malaki ang hinala ng mga awtoridad na away sa illegal na droga ang posibleng mo­tibo ng krimen.

 

AYON

BATAY

BRGY

KENNETH ROAD

MARIO RARIZA JR.

PASIG CITY

RODEL REJANO

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with