Quezon City LGU sa mga sexually active, magpasuri
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Quezon City LGU sa pamamagitan ng QC Epidemiology and Surveillance Division ang mga sexually active na nagkaroon ng unsafe sex contact na magpasuri at sumailalim sa HIV test.
Ang pahayag ay ginawa ni Dr. Francis Elmer See, ng QCESD at head ng Klinika Novaliches nang iulat na umaabot na sa 421 ang kaso ng HIV sa QC mula Enero 2025 hanggang Mayo 2025.
Aniya confidential naman at numero lamang ang gamit nila sa pagkakakilanlan sa mga pasyente at hindi pangalan para maingatan ang pagkatao nito.
Nabatid na may siyam na HIV facilities ang QC LGU na handang magbigay ng libreng test at gamot para sa mga mapapatunayang may HIV.
Sinabi naman ni Sarah Conclara, special surveilance officer ng QCESD na sa 421 HIV cases na may edad 15 hanggang 24 , nasa 149 patient nito ay mga kabataan. Pinaka maraming kaso dito ay dulot pa rin ng male to male sex contact.
Nasa 2.43 percent ang taas ng HIV sa QC sa loob lamang ng 5 buwan kung ikukumpara sa 340 cases sa buong taon ng 2024.
Malaki ang paniwala ni See at Conclara na ang exposure sa social media ng mga kabataan ang ugat ng pagdami ng kaso sa mga ito.
Hinikayat din ni See ang Department of Education (DepEd) na isama ang sex education sa curriculum ng mga mag-aaral upang matuto kung paano mapapangalagaan ang sarili mula sa sakit na HIV.
Nakukuha lamang sa sexual contact at hindi ito nakakahawa dahil sa pagyakap, paghalik, pagbahing o mula sa laway.
- Latest