^

Metro

Lalaki isinakay bago pinatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang hindi pa kilalang lalaki nang barilin sa kaliwang  mata na tumagos sa likod ng ulo ng isang kasakay nito sa tricycle  sa bahagi ng Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 20-30, may taas na 5’3’’-5’5’’, payat, nakasuot ng jacket na kulay  asul at kumbinasyong  dilaw, maong short pants at puting rubber shoes, may tattoo na “9 stars” at larawan ng rosas naman sa bukong-bukong.

Hinihinalang magkasabwat ang driver ng tricycle at gunman na angkas nito, na kapwa tumakas  matapos ang pamamaril.

Nabatd sa ulat na naganap ang insidente dakong alas 11:00 ng gabi, kamakalawa sa panulukan ng Juan Luna at Muelle de la Industria Sts., sa Binondo.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa na­sabing insidente.

Dinala ang bangkay sa St.Harold Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. (Ludy Bermudo with trainee Hazel Regondola)

BINONDO

DINALA

GLENZOR VALLEJO

HAZEL REGONDOLA

HINIHINALANG

INDUSTRIA STS

JUAN LUNA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with