^

Metro

3 ‘Dura-dura gang’, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga awtoridad ang tatlong lalaki na hinihinalang miyembro ng “Dura-dura gang” matapos umanong mambiktima ng isang pasahero sa loob ng jeep sa Pasig City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Joven Patropez, 24, ng Bayanan, Muntinlupa City; Pepito Villanueva Jr., 41, at Edgar Cruzin, 53, kapwa ng Nagcarlan, Laguna.

Ang tatlo ay dinakip bunsod ng reklamo ni Melchor Torre, 46, guro at residente ng Brgy.  Manggahan, Pasig City.

Lumilitaw sa report ng Pasig City Police na dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente habang sakay ng isang pampasaherong jeepney ang biktima na bumibiyahe sa Ortigas Extension, Brgy. Rosario, Pasig City.

Nauna rito, sinasabing dinuraan ng isa sa mga suspek ang biktima saka ipinaalam dito na may dura siya.

Habang pinupunasan ng biktima ang kanyang damit ay sinamantala naman ng isa pa ang pagkuha sa mama­haling cellphone ng biktima, saka mabilis na nagsibaba ng jeepney at lumipat ng ibang jeepney.

Napansin naman kaagad ng biktima na nawawala na ang kanyang cellphone at nang makita ang pagbaba ng mga suspek sa jeepney ay sinundan niya ang mga ito at humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Sinundan ng mga pulis ang sinakyang jeepney ng mga suspek at nang maabutan ay kaagad na pinara at sinita ang tatlo. Narekober mula sa mga suspek ang cellphone ng biktima kung kaya agad silang inaresto.

BRGY

EDGAR CRUZIN

JOVEN PATROPEZ

MELCHOR TORRE

MUNTINLUPA CITY

ORTIGAS EXTENSION

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PEPITO VILLANUEVA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with