^

Metro

Relokasyon sa informal settlers sa Quezon City, pinaplantsa na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpulong na kahapon ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod Quezon  at mga kinatawan ng mga binabahang barangay para sa napi­pintong relokasyon ng informal settlers­ na naninirahan  sa mga gilid ng waterways sa lungsod.

Ang pulong na pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ay tumalakay para sa pagpaplano at estratihiya para masiguro ang kaligtasan ng mga pamilya ng informal settler partikular ngayong tag-ulan.

Dito ay naiprisinta ng mga nagawa na ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng permanenteng solusyon sa problema para sa mga eskuwater.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Belmonte ang mga barangay officials  na magsagawa ng dayalogo sa kanilang mga nasasakupan para magtulungan ang bawat isa sa ikatatagumpay ng relocation program ng lungsod.

Tiniyak naman ni  Belmonte na  mabibigyan ng maayos na relo­kasyon at tirahan ang mga settlers  para sa  kanilang kapakanan at mas ligtas na lugar na titirahan.

 

vuukle comment

BELMONTE

DITO

KAUGNAY

NAGPULONG

PARA

QUEZON

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with