^

Metro

Binatilyo todas sa bespren

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 16-anyos na pedicab driver nang burdahan ng saksak ng kaniyang dating bespren na nakaaway dahil sa payo na tigilan ang pagtuturo sa mga bata na su­minghot ng solvent sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Regino Gardon, ng  Sampaguita St., Bulkan, Sta Ana, Maynila sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.

Nagtatago na ang suspect na kilala lamang sa alyas na “Kulot”, 17, residente ng Water Lily St., Bulkan, Sta. Ana, Maynila na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat ni SPO2  Milbert Balingan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Posadas St., Sta. Ana, Maynila.

Dati umanong matalik na magkaibigan ang dalawa na nagkalamat lamang nang pagsabihan ng suspect ang bik­tima na huwag turuan ang mga bata na gumamit ng solvent at huwag nang idamay sa bisyo. Ikinagalit naman ito ng biktima hanggang sa mauwi sa pagtatalo.

Nabatid na unang sinaksak ni Gardon si Kulot na hindi napuruhan kaya nang magtagpo muli at makakuha ng ti­yempo, rumesbak naman ng saksak ang huli.

Ilang oras lang ang lumipas ay namatay din sa paga­ mutan ang biktima.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

BULKAN

KULOT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BALINGAN

POSADAS ST.

REGINO GARDON

SAMPAGUITA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with