^

Metro

Takbo-Sabado sa CCP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng limang linggong preparasyon para sa mga sasali ng Manila Bay Clean Up Run at iba pa’ng mahilig tumakbo sa pama­magitan ng isang running clinic na tinaguriang “Takbo-Sa­bado sa CCP”.  Ito’y gaganapin sa Hunyo 8, 15, 22, 29 at ika-6 ng Hulyo, sa ilalim ng pagtangkilik ng Manila Broadcasting Company – DZRH,  at pakikipagtulungan ng Run4 Change Inc. at FUNd Racing Team. Tuwing Sabado, iba’t iba ang tatalakayin gaya ng fitness development, hydration, injury prevention, lifestyle modification, at secrets to running success.

Mga batikang national athlete at volunteer runners ang mangangasiwa sa group training routines, na magtatapos sa isang pace-guided 5-kilometer run sa palibot ng CCP complex.

Inaasahang pagkatapos ng Takbo-Sabado sa CCP running clinic, higit na marami ang sasali sa Manila Bay Clean Up Run ng MBC na gaganapin sa ika-14 ng Hulyo, kasabay ng ika-74 anibersaryo ng DZRH.  Maaari na’ng magparehistro sa 3-km, 5-km, 10-km at 21-km runs sa MBC lobby, o di kaya sa ROX Global City, Planet A Sports sa Trinoma, at Athlete’s Foot sa Alabang Town Center. Maaring matunghayan ang iba pa’ng detalye sa facebook page ng Manila Bay Clean Up Run.

Para sa karagdagang ka­alaman ukol sa Takbo-Sabado sa CCP, tumawag kina Cyrille Cupino o Aly Narvaez sa DZRH hotline 832.6116 / 6117.

 

vuukle comment

ALABANG TOWN CENTER

ALY NARVAEZ

CHANGE INC

CYRILLE CUPINO

GLOBAL CITY

HULYO

MANILA BAY CLEAN UP RUN

MANILA BROADCASTING COMPANY

PLANET A SPORTS

RACING TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with