Snatcher timbog sa mag-inang Chinese
MANILA, Philippines - Hindi umubra ang bilis ng isang 24-anyos na snatcher matapos abutan at ipakalaboso ng mag-inang Chinese na biniktima ng una sa Intramuros, Maynila
Sasampahan ng kasong snatching sa piskalya ang suspect na si Mark Magayones, miyembro ng Bahala na Gang, ng Blk. 17 Baseco compound, Port Area, Maynila dahil sa reklamo ni Ying Fei Qi, 28, ng Tune Hotel sa A. Mabini St., Manila.
Sa report ni SPO1 Erwin Lacuesta ng MPD-District Traffic Enforcement Unit, dakong alas-7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa may Katigbak Drive, Intramuros, Maynila.
Naglalakad ang biktima at nanay nitong si Shi Qwan Zheu sa nasabing lugar nang walang sabi-sabing hablutin ng suspect ang hawak nitong Sony Cybershot digicam at saka tumakbo papalayo.
Hindi naman pinanghinaan ng loob, hinabol ng mag-ina ang suspect hanggang sa nakorner nila sa may Anda circle.
Tiyempo rin na napadaan sa lugar si Lacuesta kaya tumulong din ito sa paghahabol na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspect.
“Nakita kong hinahabol ng mag-ina ang lalaki kaya nakipagÂhabulan na rin ako. Buo ang loob ng mag-ina dahil tinanggal pa ng babae ang kanyang sapatos at mabilis na hinabol ang suspect,†ani Lacuesta. Nabawi naman ng biktima ang naÂhablot sa kanyang digicam ng suspect.
- Latest