Human trafficker tiklo, 8 recruit pinigil sa NAIA
MANILA, Philippines - Pinigil ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang walong Pinay worker na sinasabing biktima ng human trafficking at isang babaeng nagtangkang magpuslit sa kanila habang papasakay ng eroplano patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., pasakay na sana ng Zest Air patungong Kuala Lumpur ang suspek at kanyang mga biktima nang sila ay maharang ng mga miyembro ng travel control and enforcement unit ng BI sa NAIA terminal 4.
Sinabi ni David na nakatanggap na umano siya ng tip na gagamitin ng mga human trafficking syndicates ang NAIA terminal 4 bilang venue ng kanilang operasyon.
Inimbestigahan na rin ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang babaeng nag-recruit sa mga biktima para sa posibleng kasong kanyang kahaharapin.
Samantala, hindi pinangalanan ang naturang mga pasahero alinsunod sa umiiral na Anti-Human Trafficking Act na nagbabawal sa pagsasapubliko ng pangalan ng mga suspect at kanilang mga biktima.
- Latest