5 katao natusta sa sunog
MANILA, Philippines - Lima katao ang naÂmatay samantalang tinataya namang aabot sa P1 milyong pisong mga ari-arian ang naabo matapos lamunin ng malakas na apoy ang isang residential house kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.
Sa sketchy report ng Las Piñas City Fire Department, kinilala ang mga biktima na sina Erlinda Bautista, na natagpuan malapit sa comfort room na pag-aari nitong bahay sa J. Villanueva Compound, 3rd Street, Brgy. Alamanza Uno, ng naturang lungsod; Rodel Cunanan; Alvin Lulen; Rogelio Gunamet at isang hindi pa nakikilala. Ang mga ito ay pawang residente ng nasabing lugar.
Ayon kay FO2 Karl Jeffrey Campanan, ng Las Piñas City Bureau of Fire, dakong ala-1:50 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa pinauupahang kuwarto ni Bautista hanggang sa kumalat at kasama sa nasunog ang apat pang biktima. Umabot sa ikatlong alarma ang naturang insidente.
Idineklarang kontrolado na ang sitwasyon dakong alas-3 ng madaling-araw matapos maapula ang napakalakas na apoy ng nagrespondeng mga bumbero.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng naturang sunog.
- Latest