^

Metro

Karpintero iniwan ng misis at 7 anak, nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang lungkot na dinanas makaraang iwanan ng kanyang misis kasama ang mga anak, winakasan ng isang karpintero ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa ng tanghali sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Roger Rosales, ng  Blk 110 Lot 6 Sitio Imelda, Brgy. Upper Bicutan, ng naturang lungsod.

Sa ulat na inilabas ng Taguig City Police, unang nagkulong sa kanyang bahay si Rosales nang pakuan ang pinto at bintana bago ito nagbigti.  Naghinala naman ang mga kapitbahay nito sa ingay na dulot ni Rosales sa loob ng bahay at biglang pagtahimik kaya agad silang humingi ng saklolo sa mga tauhan ng barangay.

Dakong ala-1 ng hapon nang puwersahang buksan ang bahay ng mga tanod kung saan bumulaga ang nakabigting bangkay ng biktima gamit ang isang nylon cord.

Ayon kay Josefino Rebutar, may-ari ng inuupahang silid ng biktima, naging tulala at mukhang desperado ang biktima mula nang layasan siya ng asawa at ng pitong anak.  Isinama umano ng misis nito ang lahat ng kanilang anak nang magpasiyang makipag-hiwalay sa kanya kaya’t posibleng ito ang dahilan kaya’t nagpakamatay ang biktima.

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

DAKONG

JOSEFINO REBUTAR

ROGER ROSALES

SITIO IMELDA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

UPPER BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with