Coed tumalon mula 4th floor ng gusali, kritikal
MANILA, Philippines - Malubha ang isang kolehiyala makaraang tumalon buhat sa ikaapat na palapag ng isang apartelle dahil sa dinaranas na matinding depresyon dulot ng kahihiyan nang aminin na tumangay siya ng pera buhat sa isang kaklase, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Inoobserbahan ngaÂyon sa Ospital ng Makati ang 19-anyos na si Ma. Sherlyn Norguera, 4th year nursing college student sa Capitol University sa Cagayan De Oro.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Makati City Police, lumuwas ng Maynila buhat sa Cagayan de Oro ang biktima at isang kaklase para sumailalim sa “on-the-job-training (OJT)†sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.
Tumuloy ang dalawa sa El Rico Apartelle sa Metropolitan Avenue, Brgy. Santa Cruz sa Makati. Nawalan naman umano ang kaklase ng P5,000 cash at nang magkakomprontasyon ay inamin ni Noguera na siya ang kumuha at naÂngakong babayaran ito.
Ngunit marahil dahil sa kahihiyan, hinihinalang tumalon buhat sa ikaapat na palapag ng apartelle ang biktima dakong alas-3:40 kamakalawa ng hapon.
Agad naman itong nasaklolohan at isinugod sa pagamutan.
Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat sa insiÂdente.
- Latest